
Nais ng Commission on Elections (Comelec) na amyendahan ang batas upang sila na ang magkaroon ng kustodiya sa mga balota, matapos madiskubre ang mga pre-shaded ballots sa Maluso, Basilan.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, hindi dapat nasa kamay ng mga partisan o maimpluwensiyang politiko ang mga balota dahil mahalaga itong election document.
Nasa kustodiya ngayon ng mga municipal treasurer ang mga balota bago ang halalan. Dahil sa insidente, 36 sa 86 precincts sa Maluso ang naapektuhan at isinailalim ang bayan sa Comelec control.
Ayon naman sa Comelec, nasa 600 botante ang naapektuhan at tiniyak na makaboboto pa rin sila ngayong hapon, kasama ang posibleng pagpapalawig ng voting hours.










