TUGUEGARAO CITY- Puspusan na ang ginagawang pagpaparehistro ng Commission on Elections o COMELEC sa mga botante ngayong buwan ng Setyembre para sa 2022 national elections.
Ayon kay Atty. James Dandy Ramos, City Election Officer, marami pa ang hindi nakakapagparehistro sa lungsod mula ng ipatupad ang mahigpit na lockdown dahil sa banta ng COVID-19.
Bukas ang tanggapan ng COMELEC para sa mga magpaparehistro mula Lunes hanggang Sabado sa oras na alas 8 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.
Bahagi nito ay ang pagkakaroon ng online registration upang mapabilis ang 75% na proceso ng registration at tanging ang kakailanganin nalamang ng isang indibidwal ay biometrics, pirma at facial recognition na gagawin mismo sa tanggapan ng COMELEC.
May mga nakalatag na remote registration naman para sa reactivation.
Sa tala ng ahensya ay nasa mahigit 2,000 palamang ang mga bagong botanteng nakapagparehistro habang tinatayang nasa mahigit 10,000 pa ang hindi pa nakakapagparehistro sa lungsod at ayon kay Ramos ay hindi kakayaning maasikaso ang lahat ng ito hanggang sa katapusan ng Setyembre.