
Patay ang isang opisyal na kinilalang si Commander Toabak Sangki Kindo, kasama ang driver nito si Boy Sangki, matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek bandang alas-otso ng gabi nitong gabi sa Barangay Kapimpilan, Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Ayon sa salaysay ng isang kaanak, pauwi na umano ang mga biktima patungo sa kanilang tirahan matapos magmula sa Poblacion ng Ampatuan nang mangyari ang insidente.
Pagsapit sa naturang lugar, bigla na lamang silang inambush ng mga armado.
Tadtad ng tama ng bala ang sinasakyan ng mga biktima, dahilan upang magtamo sila ng maraming sugat sa katawan na nauwi sa agarang pagkamatay.
Sa ngayon, inihahanda ang pagdadala sa mga labi ng mga nasawi sa kampo ng 601st Brigade ng Philippine Army para sa kaukulang proseso.
Dagdag pa sa ulat, tinangay din ng mga suspek ang mga baril ng mga biktima, kabilang ang isang M-60 machine gun na umano’y pagmamay-ari ni Commander Datu Baka Sangki Kindo.
Matatandaan ay SI Kindo ay kasalukuyang Batallon Commander sa ilalim ng 1st. Brigade, 118th Base Command, Central Mindanao Front BIAF-Moro Islamic Liberation Front.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa likod ng pananambang.
Nanawagan naman ang mga otoridad sa sinumang may impormasyon na makipagtulungan sa imbestigasyon upang agad na mabigyan ng hustisya ang mga biktima.










