TUGUEGARAO CITY-Inaprubahan na ng konseho ng tuguegarao ang committee report na magtatatag ng isang Animal Bite Center dito sa lungsod ng Tuguegarao.
Ayon kay Councilor Jude Bayona na siyang chairman ng Committee on Health, sisiguraduhin umano niya, kasama ang mga kasalukuyang nakaupong councilors na maipapasa ang naturang ordinansa bago uupo ang mga bagong elected officials.
Aniya, layon umano nito na magkaroon ng sariling animal bite center ang lungsod dahil karamihan umano sa mga nagtutungo sa provincial animal bite center ay mula dito sa lungsod.
Ngunit, kanyang nilinaw na ito ay hindi lamang para sa mga residente ng lungsod sa halip ay maging para sa mga iba pang bayan.
Sinabi ni Bayona na gagawin umano nilang libre ang unang bakuna dahil napakahalaga aniya na mabigyan ng paunang bakuna ang sinumang makakagat ng hayop.
Ngunit sa pangalawang bakuna at sa susunod pa ay may bayad na umano dahil may kamahalan din umano ang bakuna at para madagdagan ang kanilang serbisyo.