
Ipinag-utos ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa armed wing nito, ang New People’s Army (NPA) na magpatupad ng apat na araw na ceasefire sa paggunita sa kanilang 57th anniversary at holidays.
Sa pahayag, sinabi ng Central Committee ng CPP na ang ceasefire ay ipapatupad mula 12 a.m. ng December 25 hanggang 11:59 p.m. ng December 26 at mula 12 a.m. ng December 31 hanggang 11:59 p.m. ng January 1, 2026.
Ayon sa CPP, inatasan nila ang lahat ng NPA units na magpatupad ng active defense mode lalong-lalo na sa gitna ng walang tigil na military operations laban sa kanilang grupo sa buong bansa.
Idinagdag pa ng CPP na ang pansamantalang ceasefire order ay bilang pakikiisa sa mga mamamayang Pilipino sa pagdiriwang ng simpleng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, sa gitna ng malalang social at economic conditions ng bansa.










