Hinatulan si community journalist Frenchie Mae Cumpio at kanyang kapwa akusado na si Mariel Domequil kaninang umaga nang nagpopondo sa terorismo, kung saan pinawalang-sala naman sila illegal possession of firearms and ammunition.

Ang dalawa ay nahatulang makulong ng 12 hanggang 18 years.

Ibinaba ang hatol ni Judge Georgina Perez, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 45 sa Tacloban City, limang taon matapos ang pag-aresto kina Cumpio at Dumequil.

Ang desisyon ay isang araw bago ang ika-27 kaarawan ni Cumpio, na ikinagulat at ikinadismaya ng kanyang pamilya.

Sinabi ni defense laqyer Norberto Palomino na iaapela nila ang hatol sa loob ng 15 araw na reglamenatary period at hihilingin nila payagang magpiyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Cumpio habang nakaapela ang kaso.

-- ADVERTISEMENT --

Matapos ang promulgation, agad na ibinalik sina Cumpio at Dumequil sa Tacloban City Jail, kung saan sila nakakulong buhat nang maaresto sila noong February 7, 2020.

Si Cumpio, dating executive director ng community media outfit Eastern Vista, ay kabilang sa grupo na tinawag na “The Tacloban 5,” na inaresto ng joint police at military operation kung saan sinabi ng mga awtoridad na may nakuha sila mga baril at mga pampasabog sa sinasabing safehouse.

Iginigiit ng mga media organization, press freedon advocates, at human rights groups na pawang gawa-gawa ang mga kaso laban kay Cumpio, kung aan tinukoy ang iregularidad sa search and seizure operations.