Isinulat sa likod ng resibo ng isang fast food restaurant ang isang entry sa 12 finalist sa Bombo Music Festival 2020.

Ayon kay Eugenio Corpuz III, Composer ng kantang “RUN”, habang kumakain sa fast food restaurant ay naisipan niyang isulat ang kanta.

Aniya, kanyang iniaalay ang kanta sa punong maykapal dahil sa mga biyayang natatanggap.

Sinabi ni Corpuz na isa ang Run sa 18 kantang kanyang ginawa sa loob ng isang linggo.

Bata pa lamang umano si Corpuz ay mahilig nang magsulat ng mga kanta, sa katunayan, isinulat rin Corpuz ang kantang “heal Me” na nakapasok din sa finalist ng BMF 2019.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Eugenio Corpuz III

Umaasa si Corpuz na sa ngayon ay mananalo na ang kanyang kanta.