Pinulong ni Tuguegarao City Vice Mayor Bienvenido De Guzman sa mga may ari ng mga computer shops sa lungsod upang paalalahanan ang mga ito na sumunod sa ordinansang nagbabawal sa pagpasok o paglalaro ng mga menor de edad na mag-aaral sa oras ng klase.
Naksaad sa ordinansa na mahigpit na ipinagbabawal sa mga estudyante sa elementarya at sekondarya ang pag-lalaro sa computer games shop sa oras ng klase mula Lunes hanggang Biyernes, alas 7 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.
Matatandaang maraming mga magulang ang nagreklamo sa pagpapapasok ng mga internet shop owners ng mga mag-aaral sa oras ng klase na nakakasira sa pag-aaral ng mga bata bunga ng pagkalulong sa mga computer games.
Talamak din aniya ang cutting classes, dahil dito pumupunta sa halip na dumalo sa kanilang klase.
Nagbabala naman si BPLO Head Andres Baccay na ipapasara ang kanilang negosyo sa mga lalabag ng ordinansa.