Tuguegarao City- Nagbabala ang Computer Professional’s Union (CPU) sa publiko kaugnay sa kinahuhumalingang paggamit ng FaceApp na viral ngayon sa mga social media platforms.

Sa panayam kay Jan Michael Yap, Chairman ng CPU, bagamat kahangahanga ang mga transformation na inilalabas ng naturang application ay dapat na mag-ingat sa paggamit nito.

Paliwanag ni Yap, sa pag-iinstall palamang ng mga applications ay mayroong mga terms and conditions na kailangang sang-ayunan ng gagamit nito.

Sa pamamagitan ng pag “agree” ay maaari ng malaman ang mga personal at mga confidential na impormasyon ng kahit sinong gagamit nito.

Ayon sa kanya, maaaring gamitin din ang mga personal na impormasyon sa anumang uri ng iligal na gawain maging sa black propaganda.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, isa sa nakasaad sa “terms of use” ng faceApp ay ang pagpapahintulot na payagan ang sinumang nag-ooperate na gamitin ang mga larawan o mga digital lightness sa kahit na anong aktibidad.

Sinabi pa niya na mangyayari ding ito sa pamamagitan ng paggamit at pag-upload ng mga larawan gamit ang mismong application.

Gayonman ay nagbabala ang opisyal na maging maingat at mapanuri sa paggamit ng mga applications at ibang mga website.

Apela pa nito sa publiko na basahing mabuti ang nilalaman ng mga terms of use bago mag-install at gumamit ng mga applications upang maiwasang mabiktima.