Umakyat na sa 31 ang confirmed cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Probinsiya ng Apayao.
Batay sa tanggapan ni Apayao Governor leonor bulut begtang, nakapagtala ng isang bagong confirmed case ang probinsya, kahapon, Agosto 16, 2020 na isang 47-anyos na babae at health worker.
Mula sa 31 na kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus, 14 ang active cases at 17 ang nakarebor.
Sa 14 active cases, apat dito ay mula sa Pudtol, tatlo sa Calanasan , tig-dalawa sa FLOra at Luna habang tig-isa naman sa Conner, Santa Marcela at Cabugao.
Bukod dito, mayroon ding 52 na Persons under monitoring ang probinsiya ng Apayao.
Kaugnay nito, muling nanawagan ang Gobernador sa kanyang mga residente na sundin ang ipinatutupad na alituntunin tulad ng pag-obserba sa social distancing at pagsusuot ng face mask para hindi mahawa sa covid-19.