TUGUEGARAO CITY-Umabot na sa 1,689 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa region 2 kasunod ng bagong tatlong kaso na naitala kahapon, Setyembre 29 na inilabas lamang ngayong araw.
Batay sa panibagong datos na inilabas ng Department of Health (DOH)-Region 02, pinakamarami pa ring may naitalang kaso ng virus ang Probinsya ng Isabela na may 624, Nueva Vizcaya na may 559, 414 naman sa Cagayan, Santiago City na may 86, Quirino na may lima at isa sa Batanes.
Mayroon namang 417 na active cases ang rehiyon kung saan 61 percent dito ay asymtomatic, 38 percent ay nasa mild condition at 1 percent ang severe.
Sa ngayon, nasa 29 na ang casualties o namatay dahil sa covid-19 sa rehiyon dos habang 1,243 ang nakarekober.