TUGUEGARAO CITY-Nadagdagan pa ang bilang ng mga naapektuhan ng coronavirus disease o covid 19 sa Region 02.
Sa datus ng Department of Health (DOH) Region 02 hanggang Agosto 29 na inilabas kahapon, nasa 753 na ang kumpirmadong positibo sa covid 19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang ay 206 ang active cases habang 540 ang gumaling na sa sakit.
Nasa 2,363 naman ang suspect cases at may apat na probable cases na nasa quarantine o isolation facilities.
Umakyat naman sa walo ang namatay kung saan apat sa nueva vizcaya, tig-dalawa sa Cagayan at Isabela.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive ang lalawigan ng Isabela na may 369.
Sumunod dito ang Cagayan na may 276 kaso, Nueva Vizcaya na may 71 na kaso habang ang Santiago ay may 34 cases at Quirino na tatlo.
Nananatili namang covid 19 positive free ang probinsiya ng Batanes.
Samantala, 38 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 60 porsyento ang asymptomatic; isang porsyento ang severe habang isang porsyento din ang nasa kritikal na kondisyon.