Hiniling ni Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste sa lahat ng DPWH employee, District Engineer at mga contractor na maging state witness para sa lahat ng mga anomalya sa likod mga korapsyon sa flood control projects.
Kasunod ito ng pagsasampa niya ng kaso laban kay DPWH District Engineer Abelardo Calalo sa Batangas Provincials Prosecutors Office na nanuhol sa kanya upang pigilan ang imbestigasyon sa anomalya sa flood control project sa Batangas.
Ayon kay Congressman Leviste, hindi siya tatanggap ng kickbacks at ipagpapatuloy ang pagpapa-audit sa lahat ng DPWH projects para malaman ang mga anomalya at kung sino ang nasa likod nito.
Aniya, isusulong nito ang pagsasaayos ng depektibong gawa na walang dagdag na gastos sa gobyerno.
Samantala, ibinunyag din ng Kongresista na umaabot na mahigit tatlondaang milyong pisong kada taong kickback mula sa proyekto ng DPWH na nakalaan umano para sa congressman ng unang distrito ng Batangas.
Sinabi pa niya, na hindi raw nagkakaroon ng bidding sa mga DPWH projects sa unang distrito.
Congressman daw mismo ang pumipili ng contractor na nagbibigay ng standard operating procedure.