Inilabas ng office of Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ang resulta ng hair follicle test para sa iligal na droga ng mambabatas.
Batay sa drug test document, na ibinahagi ng opisina ni Duterte sa media, hiniling ng Hi-Precision Diagnostics Center ang examination sa hair sample ng mambabatas sa Omega Laboratories niing October 28.
Ipinapakita din na kinolekta ang hair sample ni Duterte noong October 23.
Makikita rin sa dokumento na sinuri ang hair sample ni Duterte para sa maraming droga na Amphetamine, Methamphetamine, Cocaine/Metabolites, Opiates, Extended Opiates, Phencyclidine (PCP), THC Metabolite (Marijuana), and Benzodiazepines.
Ayon sa kanyang opisina, lahat ng pagsusuri ay negatibo, o ibig sabihin walang nakita na droga sa katawan ni Duterte.
Iginiit ng kanyang tanggapan na ang resulta ng drug test ay patunay sa sinabi ni Duterte na siya ay drug-free sa gitna ng mga haka-haka at akusasyon laban sa mga political figures.