Isang simpleng programa ang isinagawa para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) sa Ballesteros District Jail, kasabay ng selebrasyon sa Araw ng mga Puso.
Ayon kay JSI Lohan Alejo, warden ng Ballesteros District Jail na kasabay ng pribilehiyo para sa conjugal visits ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga PDL na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng isinagawang Valentines gathering o pagtitipon.
Maliban sa sayawan, photo-booth at pagkain, may conjugal room o pribadong kuwarto ring inilaan sa mga may-asawang PDL, lalaki man o babae para sa kanilang pangangailangang pisikal.
Ini-iskeydul ang conjugal room nang hindi hihigit sa dalawang oras mula Martes hanggang Linggo ngunit nilinaw ni Alejo na kailangan itong aplayan ng mag-asawa at makapagpakita ng mga requirements tulad ng marriage certificate at iba pa.