TUGUEGARAO CITY- Isinailalim sa temporary lockdown ang bayan ng Conner sa Apayao.

Ito ay matapos na magpositibo sa covid-19 ang isang health worker sa Conner District Hospital.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Apayao, may travel history ang pasyente sa Manila at lumabas sa resulta ng kanyang swab test noong July 18 na positibo siya sa covid-19.

Agad na nagsagawa ng contact tracing ang mga otoridad sa nasabing lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, 13 na ang naitalang nagpositibo sa virus sa Apayao kung saan siyam ang nakarecover.