Dumalo ang mahigit 30 conservationist mula sa Japan, Taiwan, Singapore at Malaysia at halos isang daang kinatawan mula sa iba’t ibang non-government organization sa Pilipinas ang nagtipun-tipon sa 4th International Summit on Grey-Faced Buzzard and Migratory Raptors sa Sanchez Mira, Cagayan.

Itinampok sa summit ang global concern para sa pangangalaga ng mga migratory raptors sa Pilipinas.

Binigyang-diin ni Tourism Undersecretary Ferdinand “Cocoy” Jumapao na siyang nagsilbing kinatawan ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, ang mahalagang papel ng nature-based tourism sa comprehensive tourism strategy o pagpapalago ng turismo sa Pilipinas.

Pinuri rin ni Jumapao ang pagsisikap ng LGU Sanchez Mira at nanawagan ng sama-samang pagkilos upang mapanatili ang natural heritage o likas na pamana ng bansa.

Itinampok din sa summit ang series of lecture at presentasyon ng mga kilalang tagapagsalita tulad ni Dr. Jayson Ibañez ng Philippine Eagle Foundation .

-- ADVERTISEMENT --

inihayag naman ni Mayor Abraham Bagasin ng Sanchez Mira, Cagayan na nag-update ang lokal na konseho ng kanilang ordinansa na naglalayong protektahan ang grey-faced buzzard bird species.

Ipinahayag din ng alkalde ang kanyang pasasalamat sa Department of Tourism (DOT) sa walang patid na suporta nito kung saan kinikilala ang kahalagahan ng collaborative efforts o pagtutulungan sa pangangalaga ng avian species.

Nagsisilbi ring isang plataporma ang aktibidad para palakasin ang ugnayan ng iba’t ibang organisasyon hindi lamang dito sa Pilipinas kungdi sa ibang bansa para bigyang pagpapahalaga sa pangangalaga sa nature-based tourism.