Sumuko na sa mga awtoridad ang tatlong lalaki na wanted sa brutal na pagpatay sa isang 45-anyos na construction worker dahil sa nawawalang mga panabong na manok.

Ang mga suspek na most wanted persons sa lungsod ay boluntaryong nagtungo sa Police Community Precinct 2 ng Antipolo City Police.

Ipinrisinta sa kanila ang warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas noong Nobyembre 2024, na walang inirekomendang piyansa.

Batay sa imbestigasyon, sapilitang dinala ng mga suspek ang biktima sa Brgy. Mayamot noong July 11, 2024, kung saan siya pinaghinalaan sa nawawalang mga panabong.

Dito siya brutal na binugbog, sinaksak, at pinaghampas ng iba’t ibang bagay.

-- ADVERTISEMENT --

Isinugod ang biktima sa ospital sa Marikina, ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Antipolo City Police Station ang tatlong suspek.