TUGUEGARAO CITY- Pinuri ni Ding Generoso, dating spokesman ng Consultative Committee na nagsagawa ng pag-aaral at naglatag ng mga rekomendasyon na amienda sa saligang batas ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Generosos na kakaiba ang SONA ngayon ng pangulo dahil sa sumentro ito sa mga kinakaharap na problema ng bansa tulad ng korupsion, illegal drugs at iba pa sa halip na ipangalandakan ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na tatlong taon.
Ayon sa kanya, mahalaga na tanggapin at harapin ang problema at maglatag ng mga posibleng solusyon.
Samantala, ikinalungkot ni Generoso ang hindi pagbanggit ng pangulo sa federalism sa kanyang SONA.
-- ADVERTISEMENT --