TUGUEGARAO CITY-Umaasa ang Consultative Committee na ia-adopt ng kongreso ang kanilang binuong “Bayanihan Constitution”.
Reaksion ito ni Ding Generoso,dating spokesperon ng ConCom na nagsagawa ng pag-aaral sa 1987 constitution sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa liderato ng kamara at senado na gawing prayoridad ang charter change at federalism at maipasa habang siya pa ang nakaupong presidente.
Kasabay nito, sinabi ni Geneoros na kung hindi naman sang-ayon ang kongreso sa mga probisyon na nakasaad sa “Bayanihan Constitution” ay maaari namang ibasura ang kanilang panukala at magkaroon na lang ng people’s initiative.
Subalit, iginiit niya na dapat na pakinggan ng lider ng kamara at senado ang boses ng nakararami at ang mga mamamayan na naniniwala sa mga polisiya na isinusulong ni Duterte.