Nagpapatuloy ang pagsasagawa ng aggressive contact tracing ng mga otoridad sa mga nakasalamuha ng dalawang batang nahawaan ng UK variant ng Covid-19 sa Lubuagan, Kalinga.

Ayon kay Dr. Edward Tandingan, Provincial Health Officer na patuloy ang isinasagawang contact tracing hanggang sa 3rd generation contacts.

Itoy upang matukoy rin ang posibleng pinanggalingan ng COVID-19 variant dahil wala naman umanong kasaysayan ng pagbiyahe ang dalawang bata na edad lima at pitong taong gulang.

Sinabi ni Tandingan na Pebrero 17, 2021 nang nagpositibo sa SARS-CoV-2 ang dalawa hanggang sa magnegatibo nitong Marso 3 at 8 kung saan umaasa sila na magiging negatibo ang resulta ng muling pagsusuri sa kanila.

Samantala, dedesisyunan bukas (March 16) kung isasailalim sa zonal containment ang limang Barangay sa Lubuagan na may maraming aktibong kaso ng COVID-19.

-- ADVERTISEMENT --