Umapela si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano sa lahat ng mga pasahero ng bus na nakasabayan ng unang kaso ng COVID-19 sa Tuguegarao City na makipag-ugnayan sa mga health authorities.
Ayon kay Soriano, sinimulan na nila ang contact tracing sa mga pasaherong nakasabayan ni PH275 na galing Manila at dumating sa lungsod sakay ng GV Florida Bus No. GD36 ng alas 7:00 ng umaga, noong March 11.
Sa mga naging pasahero ng naturang bus, makipag-ugnayan lamang sa health authorities sa numero bilang 0917-659-6959.
Patuloy namang minomonitor ng mga health authorities ang kalusugan ng pamilya ng nagpositibo sa COVID-19 na isinailalim na sa home quarantine.
Maging ang tricycle na sinakyan ni PH275 mula terminal ng bus patungo sa kanyang bahay sa lungsod hanggang sa dinala ito sa pagamutan ay isinailalim na rin sa striktong home quarantine.
Samantala, pinahihinto na ni Mayor Soriano sa mga Barangay officials ang pamamahagi ng ‘home quarantine pass’ dahil nagdudulot lamang ito ng kalituhan.
Gayonman, kailangang siguruhin ng bawat opisyal ng Barangay na ipatupad ang protocol na isang miyembro lamang sa bawat pamilya ang palalabasin na bibili ng pagkain o gamot kung kinakailngan.