Handa na ang Commision on Election para sa contingency plan sa inaasahang pagdagsa ng mga kandidato ngayong Lunes at Martes, Oktubre 7 at 8.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ay dahil sa inaasahan na ring mas maraming kandidato ang sabay-sabay na maghahain ng kanilang kandidatura.

Inihalimbawa ni Garcia na kung limang katao ang bitbit ng partylist at may mga kandidatong Senador din ang magdadala ng mga kasama ay maaaring hindi kayanin ng venue.

Sa ibang lugar naman aniya, pinayagang mailipat ang venue ng filing basta tiyaking ligtas ang mga filer at election officers.

Samantala, inanunsyo rin ni Garcia na wala pang natatanggap na untoward incident ang Comelec at wala pang maaaring ideklarang areas of concern.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng poll chief na ang election period ay sa Enero 11 pa magsisimula.

Ngunit ang huling tatlong araw ng filing ng kandidatura ang pinaghahandaan ng Komisyon.