Isang 58-anyos na engineer at contractor ang binaril sa bahagi ng national highway ng Sitio Omanod, Brgy. San Francisco sa Santa Catalina, Negros Oriental umaga ngayong Miyerkules, Aug. 27.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Santa Catalina police station, bibisitahin sana ng biktimang si Engr. Angelito Uy Mendoza ang quarry site sa naturang lugar nang barilin siya habang nagmamaneho ng mga hindi pa natutukoy na salarin.

Sakay ang mga suspek ng isang itim na motorsiklo.

Isang caliber .45 ang ginamit sa nangyaring pamamaril.

Tinutukoy pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

-- ADVERTISEMENT --

Kinokonsidera ang alitan sa lupa bilang posibleng rason sa likod nito.