TUGUEGARAO CITY- Naka-isolate na ang si PMAJ Osmundo Mamanao, chief of police ng PNP Amulung, Cagayan matapos na magpositibo sa covid-19.
Kaugnay nito, sinabi ni P/Col. Ariel Quilang, director ng PNP Cagayan na naka-isolate na rin ang iba pang personnel ng nasabing himpilan habang hinihintay ang resulta rin ng kanilang swab test.
Ayon sa kanya, kung sakaling may magpositibo pa sa kanila ay isasama sa isolation kay Mamanao at home quarantine naman kung negatibo ang resulta.
Sinabi ni Quilang na nakuha ni Mamanao ang virus sa mga isinagawang relief operations sa mga naapektuhan ng mga pabaha sa lalawigan.
-- ADVERTISEMENT --
Dahil dito, sinabi ni Quilang na nagpadala na siya ng 19 na augmentation police sa PNP Amulung.