Nasira ang isang automated counting machine matapos na buhusan ng tubig ng poll watcher sa isang polling precinct sa Marawi City sa gitna ng ginaganap na botohan.

Agad na tinungo ng mga pulis ang nasabing polling precinct subalit nakaalis na ang poll watcher.

Ayon sa technician ng Commission on Elections, nasira ang nasabing ACM.

Ang ACM ay para sa abat na pinagsamang apat na polling precincts para sa evacuees ng Marawi siege sa Barangay West Marinaut at Barangay Sagonsongan.

Pansamantalang itigil ang proseso para sa mga balota ng ilang minuto hanggang sa dumating ang ipinalit sa nasirang makina sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --