Ipinag-utos ng Court of Appeals ang pag-freeze sa assets ni suspended Mayor Alice Guo of Bamban, Tarlac, iba pang indibidual at mga kumpanya na sangkot sa illegal Philippine offshore gaming operators (Pogos).
Ayon sa statement ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na ibinahagi ni Sen. Sherwin Gatchalian, ang freeze order ay saklaw ang malaking assets, kabilang ang 90 bank accounts sa 14 na financial institutions, maraming real properties, at high-value properties, tulad ng luxury vehicles at helicopter ni Guo.
Inaprubahan ng Court of Appeals ang ex parte petition ng AMLC para sa paglalabas ng freeze order.
Hindi naman inilahad ng AMLC kung magkano ang bank accounts na kasama sa freeze order.