TUGUEGARAO CITY- Nadagdagan ng 701 ang aktibong kaso ng covid-19 sa Region 2 na nagbunsod kaya umaabot na sa 9, 178 ang covid-19 active cases sa rehion.
Sa datos ng DOH Region 2, sumampa na sa 86,641 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa buong rehiyon.
May karagdagang 38 namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya’t sa ngayon ay umakyat pa ito sa 2,600.
Nangunguna pa rin ang Cagayan sa may pinakamataas na aktibong kaso ng COVID-19 na may mahigit 4,700
sinundan ng Isabela na may mahigit 2,800 sa Nueva Vizcaya ay 787, sa Qurino ay may 530, sa Santiago City ay 237 at isa naman sa Batanes.