Nasa 32 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa rehiyon dos.
Batay sa datos na ibinahagi ng Department Of Health (DOH)-R02, mula sa nasabing bilang 29 dito ay mula sa probinsya ng Isabela at tatlo Cagayan.
Umabot naman sa 20 ang bagong nakarekober kung saan walo ay mula sa Cagayan at tig-anim ang Isabela at Nueva Vizcaya.
Nakapagtala naman ng bagong casualty dahil sa virus sa probinsya ng Isabela na si CV 2049 na isang babae at 74-anyos.
Dahil dito,umabot na sa 35 ang bilang ng mga namatay dahil sa covid-19 sa rehiyon.
Sa ngayon, umakyat na sa 2,070 ang confirmed cases sa rehiyon kung saan pinakamarami parin ang Isabela na may 864 sunod ang Nueva Vizcaya na may 582, Cagayan na may 520, lima sa Quirino at dalawa sa Batanes.
Ang active cases naman ay nasa 368 kung saan 59 percent ay asymptomatic, 40 percent ang mild at one percent ang severe condition habang nasa 1,667 na ang nakarekober o gumaling sa virus.