TUGUEGARAO CITY-Umabot sa 35 ang bagong naitalang kaso ng Coronavirus disease 2019(covid-19) sa Rehiyon dos.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH)-Region 02, mula sa nasabing bilang 33 dito ay mula sa Isabela at tig-isa sa Cagayan at Santiago City.

Nasa 26 naman ang bagong nakarekober mula sa virus kung saan 11 dito ay mula sa Cagayan, pito sa Isabela, anim sa Nueva Vizcaya at dalawa sa Santiago City.

Sa ngayon, umakyat na sa 2,160 ang naitalang kumpirmadong kaso ng covid-19 sa rehiyon, pinakamaraming naitala kaso ang Isabela na may 926 sunod ang Nueva Vizcaya na 587, Cagayan na 532 , Santiago City na 108, lima sa Quirino at dalawa sa Batanes.

427 naman ang aktibong kaso ng virus sa rehiyon kung saan 69 percent dito ay asymptomatic, 39 percent ang mild at one percent ang nasa severe condition habang 35 ang namatay.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nasa 28 kumpirmadong kaso ng covid-19 ang kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) kung saan 15 ay mula sa Isabela at 13 ay mula sa Cagayan.

Sa Cagayan, pito rito ay mula sa Tuguegarao City, apat sa Enrile at tig-isa sa Solana at Gonzaga habang sa Isabela ay 11 ang galing sa Ilagan, tatlo sa Tumauini at isa sa Roxas.

Bukod dito, 25 suspected cases din ang minomonitor sa naturang pagamutan kung saan 18 dito ay mula sa Cagayan at pito sa Isabela.