TUGUEGARAO CITY-Umabot sa 59 ang bagong naitalang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa rehiyon dos na naitala noong Oktubre 17, 2020.

Batay sa datos ng Department Of Health (DOH)-Region 02, mula sa nasabing bilang ng mga bagong nagpositibo sa virus, 43 ay mula sa Isabela , 15 sa Cagayan at isa sa Santiago City.

Nasa 45 naman ang bagong nakarekober mula sa virus kung saan 25 dito ay mula sa Isabela, 14 sa Cagayan at tig-tatlo sa Santiago City at Nueva Vizcaya kung kaya’t umabot na sa 1,835 ang gumaling o nakarekober sa rehiyon.

Umakyat na rin sa 2,376 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng covid-19 sa rehiyon kung saan pinakamarami pa ring may naitala ang probinsya ng Isabela na may 1,093 sinundan ng Nueva Vizcaya na may 588, Cagayan na may 577, lima sa Quirino at dalawa sa Batanes.

505 naman ang aktibong kaso kung saan 61 percent ang asymptomatic at 31 percent ang nasa mild condition habang nadagdagan naman ng isa ang nasawi dahil sa covid-19 na mula sa Isabela.

-- ADVERTISEMENT --