TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng 28 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang Rehiyon dos.

Batay sa datos na ibinahagi ng Department of health (DOH)-region 2 , mula sa nasabing bilang, 16 ang mula sa isabela, siyam sa Cagayan, dalawa sa Nueva Vizcaya at isa sa Santiago City.

Nasa 35 naman ang bagong nakarekober sa virus, 25 dito ay mula sa Isabela, siyam sa Cagayan at isa sa Santiago City.

Umakyat na sa 2,600 ang kumpirmadong kaso ng virus sa rehiyon kung saan pinakamaraming may naitala ang probinsya ng Isabela na may 1,231 sunod ang Cagayan na 641, Nueva Vizcaya na 604, santiago City na may 117 , lima sa Quirino at dalawa sa Batanes.

Umabot naman sa 451 ang active cases, 68 percent dito ay asymptomatic ,30 percent ang mild at 1 percent ang severe condition habang nasa 38 na ang nasawi dahil sa virus sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --