TUGUEGARAO CITY- Nakapagtala ng 46 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang Rehiyong dos.
Batay sa datos na ibinahagi ng Department of Health (DOH)-region 2, mula sa nasabing bilang, 43 ay mula sa Isabela, dalawa sa Cagayan at isa sa Santiago City.
Nasa 25 naman ang bagong nakarekober sa rehiyon kung saan 18 dito ay mula sa Isabela, tig-tatlo sa Cagayan at Santiago City at isa sa Nueva Vizcaya.
Sa ngayon, umakyat na sa 3,019 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng virus, pinakamaraming may naitala ang probinsya ng Isabela na may 1,499 sunod ang Cagayan na may 730, Nueva Vizcaya na may 629 , Santiago City na may 152, pito sa Quirino at dalawa sa Batanes.
Umabot naman sa 359 ang bilang ng mga aktibong kaso kung saan 70 percent sa mga ito ay asymptomatic, 27 percent ang mild at tatlong porsyento ang nasa severe condition.
Nasa 2,615 naman ang bilang ng mga nakarekober habang 45 ang nasawi dahil sa virus.