TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ang Department Of Health (DOH)-Region 02 ng 14 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (covid-19),kahapon na ngayong araw lamang inilabas.
Batay sa datos ng ahensiya, mula sa nasabing bilang, 11 ay mula sa Isabela, tatlo sa Cagayan at isa sa Santiago City.
Nasa 11 naman ang bagong nakarekober sa virus kung saan walo ay mula sa Isabela, dalawa sa Cagayan at isa sa Santiago City.
Sa ngayon, umakyat na sa 3,475 ang kumpirmadong kaso ng virus sa rehiyon, pinakamaraming may naitala ang probinsya ng Isabela na may 1,719, sinundan ng Cagayan na 911 , Isabela na may 656 , Santiago City na 177, sampu sa Quirino at dalawa sa Batanes.
Umabot naman sa 317 ang aktibong kaso ng covid-19 kung saan 65.30 percent ang asymptomatic, 29.97 ang mild, 4.42 percent ang severe at 0.32 ay nasa critical condition.
Nasa 3,106 ang bilang ng mga nakarekober at 52 ang nasawi dahil sa virus.