TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng walong panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) ang Rehiyon dos.
Base sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH)-R02, mula sa nasabing bilang anim ay mula sa Isabela at dalawa sa Cagayan.
Nasa 11 naman ang bagong nakarekober o gumaling kung saan lima ay mula sa Isabela, apat sa Cagayan at dalawa sa Santiago City.
Isa naman ang bagong nasawi dahil sa virus na mula dito sa probinsya ng Cagayan kung kaya’t umakyat na 54 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa rehiyon dahil sa covid-19.
Sa ngayon,umabot na sa kabuuang 3,602 ang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng virus sa rehiyon.
-- ADVERTISEMENT --
Umakyat naman sa 206 ang aktibong kaso habang 3,350 na ang mga gumaling o nakarekober mula sa covid-19.