TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng 51 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (covid-19) ang Department Of Health (DOH)-region 2, kahapon, Disyembre 1,2020 na ngayong araw lamang inilabas.
Batay sa datos na inilabas DOH, mula sa nasabing bilang, 30 ay mula sa Isabela, 18 sa Cagayan at tatlo sa Santiago City.
Nasa anim naman ang bagong nakarekober sa virus kung saan tatlo rito ay mula sa Cagayan, dalawa sa Santiago City at isa sa Isabela.
Dahil dito, umakyat na sa 3,734 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng covid-19 sa rehiyon dos kung saan ang probinsya ng Isabela ang may pinakamaraming naitala na 1,841 sinundan ng Cagayan na 983, Nueva Vizcaya na 671, Santiago City 221, Quirino 16 at dalawa sa Batanes.
Mula naman sa 282 na aktibong kaso ng virus ay 69.50 percent ang asymptomatic, 26.95 ang mild, 3.19 percent ang severe at 0. 35 percent ang nasa critical condition.
Umabot na rin sa 3,394 ang mga nakarekober habang 58 ang nasawi dahil sa virus.