TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng 20 panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) ang Rehiyon dos.

Batay sa tala ng Department Of Health (DOH)-Region 02, mula sa nasabing bilang, sampu ay mula sa Santiago City, anim sa Cagayan at apat sa Isabela.

Kaugnay nito, umakyat na sa 3,958 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus sa rehiyon.

May pinakamaraming naitala ang probinsya ng Isabela na 1,961 sinundan ng Cagayan na 1,067, Nueva Vizcaya na may 673, Santiago City na 237, Quirino na may 18 at dalawa sa Batanes.

Nasa sampu naman ang bagong nakarekober mula sa virus kung saan lima ay galing sa Isabela , apat sa Nueva Vizcaya at isa sa Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, umabot na sa 3,508 ang bilang ng mga gumaling mula sa nakamamatay na sakit sa rehiyon.

Isa naman ang bagong naitalang nasawi dahil sa covid-19 na mula sa Cagayan kung kaya’t umabot na sa 61 ang bilang ng mga namatay dahil sa virus sa region 2.

Sa ngayon, 389 ang aktibong kaso ng virus sa rehiyon kung saan 64.01 percent ay asymptomatic, 32.65 ay mild , 3.08 ang severe at 0.26 ang nasa critical condition.