TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa 4,039 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa rehiyon dos.
Ito’y matapos makapagtala ng 81 bagong nagpositibo sa virus kung saan 45 ang mula sa Santiago City, 33 sa Isabela , dalawa sa Cagayan at isa sa Nueva Vizcaya.
65.41 percent sa aktibong kaso ng virus na 399 ay asymptomatic, 31.33 percent ang mild, 3.01percent ang severe at 0.25 percent ang nasa critical na condition.
Nasa 70 naman ang bagong nakarekober mula sa virus kung saan 46 dito ay mula sa Isabela, 17 sa Cagayan, lima sa Santiago City at dalawa sa Nueva Vizcaya.
Dahil dito, umabot na sa 3,578 ang bilang ng mga nakarekober habang 61 ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Pinakamalaking bilang ng may naitalang nagpositibo sa covid-19 ay ang probinsya ng Isabela na may 1,994 sinundan ng Cagayan na 1,064, Nueva vizcaya na 574, 282 sa Santiago City, 18 sa Quirino at dalawa sa Batanes.