TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa 4,516 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa rehiyon dos matapos makapagtala ng 80 bagong kaso ng virus.
Batay sa datos ng Department Of Health (DOH)-Region02, mula sa kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit, 13.22 percent o 597 ang aktibo.
Nasa 85.23 percent o 3,849 ang nakarekober habang 1.5 percent o 70 ang nasawi dahil sa virus.
Sa ngayon, nakapagtala ng local transmission ang Aurora at San Mariano sa Isabela; Baggao at Solana naman sa Cagayan.
Community transmission naman sa Solano sa Nueva Vizcaya; Tuguegarao City sa Cagayan at Ilagan City, Cauayan at Santiago City sa Isabela.
Kaugnay nito, patuloy ang paalala ng ahensiya sa publiko na sumunod sa mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield maging ang pag-obserba sa social distancing.