Sisimulan na bukas ang apat na araw na ‘mobile antigen swab testing’ sa mga frontliners ng labing-apat na Barangay na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Ito ay sa inisyatibo ni 1st district Board Member Cristopher Barcena sa pakikipagtulungan ng LGU Alcala na nagdonate ng 400 antigen test kits, PRC Alcala Chapter at Provincial Government.

Target na isailalim sa mass testing ang 400 frontliners na kinabibilangan ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERTs), Barangay officials at tanod.

Ang mga magpopositibo sa Antigen test ay agad isasailalim sa isolation para sa RT PCR Test.

Layon nitong matukoy ang mga positibo sa COVID-19 at maihiwalay upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng virus.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay pumapangalawa ang bayan ng Baggao sa lalawigan sa may pinakamaraming aktibong kaso ng COVID-19

Vc Barcena June 8

Matatandaan na una nang isinailalim sa mass swab testing ang mga LGU employees at mga market vendors sa San Jose Public Market.