Pansamantalang isinara ang Molecular Laboratory ng Cagayan Valley Medical Center o CVMC ngayong araw, Enero 14.
Ito ay matapos na mahawaan ng sabay-sabay ng covid 19 ang 16 na healthcare workers ng laborotoryo.
Sinabi ni dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief, na isang araw lamang na pansamantalang isasara laboratory upang makapagsagawa ng dis-infection.
Bukas, ay agad ding ibabalik ang operasyon ng swabbing at pagtanggap ng mga specimen.
Dahil dito, pinayuhan niya ang mga mag-rerefer ng specimen sa molecular laboratory ng CVMC na dalhin muna ito sa laboratory ng department of health o doh region 2
-- ADVERTISEMENT --
Sa ngayon ay pumalo na sa 59 na mga medical workers ng cvcmc ang nagpositibo sa covid 19 na pawang asymptomatic ang kondisyon.