Inihayag ni Cagayan Valley Medical Center (CVMC) chief Dr. Glenn Mathew Baggao na patuloy ang pagluwag ng ‘hospital occupancy’ para sa mga COVID-19 patients sa naturang pagamutan kasabay ng unti-unting pagbaba ng mga bagong kaso kada araw.
Ayon kay Baggao na bumaba pa sa 12% ang occupancy rate sa CVMC makaraang pumalo ito sa ‘high risk’ nitong buwan ng Enero.
Batay sa datos, 34 na lamang ang bilang ng mga okupadong kama mula sa mahigit 200 na inilaan na COVID-19 beds para sa mga nagpositibong pasyente.
Sa naturang bilang, 21 ang kumpirmado kung saan 13 pasyente rito ay mula sa Cagayan; anim sa Isabela; at tig-isa sa Nueva Vizcaya at Kalinga.
Labing-tatlo naman ang suspected cases na pawang nakararanas ng mild sysptoms at mula sa lalawigan ng Cagayan.
Tuloy-tuloy din ang pagtanggap ng CVMC sa lahat ng nais magpabakuna, kabilang ang walk-ins lalo na sa edad 5-11.
Kasabay ng bumababang kaso ng COVID-19 at mataas na vaccination rate, pinaboran ni Dr. Baggao ang pagsasailalim sa rehiyon sa pinakamababang Alert Level 1.
Batay sa anunsiyo ng Inter-Agency Task Force (IATF), sasailalim na sa Alert Level Status 1 ang lalawigan ng CAGAYAN, BATANES, ISABELA, at QUIRINO kabilang ang SANTIAGO CITY simula Marso 1-15, 2022.
Habang mananatili naman sa Alert Level Status 2 ang Lalawigan ng NUEVA VIZCAYA.
Sa ilalim ng Alert Level 1, papayagan na ang lahat ng edad sa intrazonal at interzonal travel.
Lahat ng establisimyento o mga aktibidad ay papayagan na ring mag-operate, o maging sa full on-site or venue/seating capacity pero dapat sumunod sa itatakdang minimum public health standards.
Aalisin na rin ang karamihan sa restriction sa capacity at travel, at mananatili naman ang pagsusuot ng face mask at social distancing.