TUGUEGARAO CITY-Inaayos na ang discharge documents ni covid-19 PH7918 na mula sa bayan ng Baggao, Cagayan para makalabas na sa pagamutan matapos magnegatibo sa pangalawa nitong swab test.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, maaari nang makalabas sa pagamutan ang pasyente ngunit kailangan pa rin nitong tapusin ang 21 day quarantine sa kanilang tahanan.

Aniya, muling babalik si PH7918 sa pagamutan kapag natapos nito ang kanyang 21 day quarantine para sa kanyang check-up at para sa pangatlong swab test.

Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao

Nasa maayos namang kondisyon sina PH 8631 at PH8636 habang hinihintay ang resulta ng kanilang pangalawang swab test.

Nadagdagan naman ng walong katao ang suspect case ng covid-19 sa CVMC mula sa 17, kung kaya’t mayroon ng 25 suspect case ang kasalukuyang minomonitor sa naturang pagamutan.

-- ADVERTISEMENT --

Paliwanag ni Baggao, natagalan ang resulta ng swab test ng mga suspect case dahil natambakan ang Baguio General Hospital,ang pinakamalapit na testing center ng covid-19 sa Region 2 dahil maging ang Region 1 at 3 ay doon na rin dinadala ang mga specimen ng kanilang mga covid-19 patients.

Sa kabuuan , sinabi ni Baggao na mayroong dalawalang positive , 25 suspect at isang probable case ng covid-19 sa CVMC.

Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao