Umakyat na sa 526 ang kabuuang bilang ng namatay may kaugnayan sa COVID-19 ang naitala sa Region 2.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2, nadagdagan ng 9 ang bilang ng mga namatay may kaugnayan sa COVID-19 sa lambak ng Cagayan.

Naitala naman ang 476 na panibagong nagpositibo sa virus kung kaya umakyat na sa kabuuang 30,374 ang kumpirmadong kaso.

Nakapagtala naman ng 626 na panibagong gumaling kayat tumaas sa 24,513 ang total recoveries sa rehiyon.

Sa ngayon, mataas pa rin ang aktibong kaso sa rehiyon sa bilang na 5,325 kung saan nangunguna pa rin ang lalawigan ng Isabela sa may pinakamaraming kaso ng aktibong kaso na sinundan ng Cagayan, Nueva Vizcaya, Santiago City, at Quirino habang wala ng kaso ng COVID-190 ang lalawigan ng Batanes.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, mataas pa rin ang positivity rate o porsyento ng mga nagpositibo ng rehiyon na nasa 24.3%