Idineklarang persona non grata sa Ilagan City, Isabela ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army sa bisa ng isang resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod.

Sa ulat ni Bombo Corespondent Ela Alibania, ang deklarasyon ay kasunod ng kahilingan ng 91 barangay sa lungsod na una nang nagpasa ng resolusyon na nagpapahayag ng pag-ayaw sa CPP-NPA.

Nabatid na isa ang Ilagan sa mga lugar na binabantayan ng kasundaluhan na pinamumugaran ng mga makakaliwang grupo.

Ito ay hakbang ng pamahalahaang lokal upang sugpuin at itigil ang insurhensiyang dulot ng mga makakaliwang grupo at mga kaalyado nito bilang pagtugon sa direktiba ng administrasyong Duterte alinsunod sa nakapaloob sa End Local Communist Armed Conflict (ELCAC).

Una dito, marami na ding mga bayan at Barangay sa Isabela ang nagdeklara ng persona non grata sa rebeldenag grupo.

-- ADVERTISEMENT --