photo credit: cppo

TUGUGARAO CITY-Kasalukuyan ng umanong minomonitor ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang mga aktibidad sa social media upang matukoy kung may mga lumalabag sa ipinapatupad na community quarantine sa probinsya.

Ayon kay Pcol Ariel Quilang, Director ng PNP-Cagayan, ito ay para matiyak na nakakasunod ang bawat isa sa mga alituntunin na ipinapatupad laban sa covid-19.

Aniya, bibigyang babala ang mga mapapatunayan na lalabag sa covid-19 related laws.

Ngunit, kung muling mahuhuli ay papatawan na ito ng parusa at pagmumultahin.