Tuguegarao City- Kinuwestiyon ng mga miyembro Sanguniang Panlalawigan ng Cagayan ang pamunuan ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO)dahil sa mga nakakapasok na mga indibidwal sa Cagayan.
Ito ay matapos ang inilabas na Executive Order ni Governor Manuel Mamba na nagbabawal magpapasok ng mga indibidwal na mula sa ibang mga lugar at maging sa mahigpit na implimentasyon ng Enhanced Community Quarantine sa Cagayan.
Sa isinagawang regular session ay kinuwesyon ni Ex Offical Board Memeber Maila Ting Que si PCOL. Ariel Quilang kaugnay dito.
Inihalimbawa ni Que ang mga nakapasok na POGO Group na umano’y naghatid ng mga relief goods sa Sta. Ana, Cagayan at may mga escort pang pulis.
Paliwanag ni Quilang, sinapahan na ng kaukulang kaso ang mga indibidwal at kabilang na dito ang paglabag sa RA 11332.
Giit pa nito, nakarating na rin ang naturang usapin sa Kampo Crame at pinaiimbestigahan na aniya ni PNP Chief Archie Gamboa na ang mga pulis na naging escort ng mga POGO Group.
Samantala nagbigay na aniya siya ng direkriba sa lahat ng PNP Chief of Police sa Cagayan upang higpitan ang monitoring sa mga nakalatag na check points upang matiyak na wala ng makakapasok na mula sa ibang mga lugar sa lalawigan.