Tuguegarao City- Umani ng iba’t-ibang parangal ang Cagayan Police Provincial Office (CPPO) sa katatapos na culmination activity kasabay ng pagdiriwang ng kanilang Police Community Relations Month nitong Hulyo.

Sa panayam kay PCAPT. Sharon Mallillin, tagapagsalita ng PNP Cagayan, kabilang sa natanggap na pagkilala ay ang pagiging Most Outstanding Police Provincial Office of the Year na personal na tinanggap ni Director PCOL Ariel Quilang.

Dahil sa pakikipagtulungan ng mga Municipal/City Police Stations ay iginawad naman sa PNP Solana ang OutstandingMuncipal Station of the Year at tumanggap pa ng national award.

Natanggap din ni PCAPT Mallillin ang pagiging Outstanding Junior Police Commissioned Officer kasama ang Outstanding Junior PCR Police Non-Commissioned Officer ng PNP Solana na si PSSGT Marilyn Castillo.

Buo naman ang pasasalamat ng PNP Cagayan sa lahat ng mga kawani at tanggapan ng pnp maging sa pakikiisa ng publiko dahil sa tagumpay na kanilang natanggap ng hanay ng pulisya.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, matapos ang ikinasang “revitalized anti-criminality enforcement” ng PNP Cagayan Mula noong Hulyo 31 hanggang kahapon Agosto 3 ay nakapagtala sila ng 15 nahuling lumabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Kabilang pa dito ang 3 na silbihan ng search warrant, 9 na nahuli sa mga buy bust operation, 15 lumabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, 5 na lumabag sa RA 9262 VAWC, 4 sa Illegal Logging at isang rape.

Sinabi pa ni Mallillin na nasa 34 na katao pa ang nasilbihan ng warrant of arrest na kinabibilangan ng mga municipal and provincial top most wanted sa Cagayan.

Patuloy naman ang paghikayat ng PNP Cagayan sa publiko ng pagsunod sa mga ipinatutupad na batas upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng probinsya.