Isiniwalat ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na maraming pang mga palikuran sa mga paaralan sa buong bansa ang ginawang faculty room ng mga guro.
Kasabay nito ay binatikos ni Reymund Basillio, secretary general ng ACT ang Department of Education sa hindi pag-uulat sa tunay na kalagayan ng mga eskwelahan lalo na sa usapin ng mga pasilidad.
Kasunod ng viral na larawan ng CR sa Cavite na ginawang faculty room, sinabi ni Basillio na maraming mga guro ang nagpadala sa kanila ng mga larawan na kahalintulad na sitwasyon sa kanilang paaralan.