Iniimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) Central Office ang sinasabing pagkakaroon ng ghost students sa ilang pribadong paaralan sa ilalim ng Senior High School (SHS) Voucher Program.

Ayon sa DepEd, 12 private schools sa siyam na divisions ang target ng kanilng imbestigasyon.

Nagbabala ang DepEd na aalisan ang naturang mga eskwelahan ng accreditation sa Senior High School Voucher Program.

Posibleng patawan din ng Education Department ng administrative at criminal sanctions ang mga eskwelahan.

Sa kabila nito, tiniyak ng DepEd na bibigyan nila ng kaukulang assistance ang mga estudyanteng maapektuhan ng pagtanggal ng accreditation para matiyak na magpapatuloy ang pag-aaral ng mga ito.

-- ADVERTISEMENT --